Pinoy Teleserye

Alam na alam nating ang mga Pilipino ay mahilig sa mga telenobela. Namana daw natin ‘yun sa mga Kastila. Madalas na nangyayari kasi sa mga nakasanayan nating telenobela ay inaapi ang mga bida at hinahayaan na lang dahil naniniwala tayong sa bandang huli pagpapapalain ang mga inapi. Natural din sa mga Pinoy telenobela ay ang pag-iibigan ng isang mahirap at mayamang karakter.

Sa paglipas ng panahon, mapapansin nating nag-iba ang Pinoy Telenobela. Ipinakilala ng ABS-CBN sa atin ang Pangako Sa’yo bilang kauna-unahang Pinoy Teleserye noong 2000 at ito na ang ginagamit sa kasalukuyan. Ang kaibahan ng teleserye sa telenobela ay mas mabilis ang pagkakakwento at mga pangyayari sa isang teleserye. Naging basehan ito ng mga pangkasalukuyang teleseryeng napapanuod natin.

Sa pagtagal ng panahon, ang Pinoy Teleserye ay nagkaroon ng iba’t-ibang uri o sangay.

  • Noong 2001, ipinakilala ng GMA ang isang Politicalserye na Kung Mawawala Ka.
  • Ipinalabas sa ABS-CBN noong 2002 ang kauna-unahang Musicserye, angBituin.
  • Ang Labs Ko Si Babe ay isang Comedyserye ng ABS-CBN.
  • Noong 2004, binago muli ng ABS-CBN ang Pinoy Teleserye. Ipinakilala nito ang kauna-unahang Fantaserye, ang Marina. Hindi nagpahuli ang GMA, gumawa rin sila ng Mulawin bilang kauna-unahang Telefantasya sa nasabing network.
  • Sa GMA, ipinalabas ang kauna-unahang Spoofserye na Marinara.
  • Ang Basta’t Kasama Kita ay isang Actionserye ng ABS-CBN at ito ang kauna-unahang teleseryeng nagkaroon ng live ending.
  • Ang isang kakaibang ending ay pinakita ng Sana’y Wala Nang Wakassapagkat nakadepende sa text votes ang magiging katapusan ng teleserye.
  • Ang Darna ng GMA ang nasabing kauna-unahang Telefantasyang base sa comics at pelikula. Sa ABS-CBN napanuod ang teleseryeng tungkol sa mga OFW’s, ang Crazy For You noong 2006. Sa GMA din ipinalabas ang kauna-unahang teleseryeng base sa isang anime, ang Lupin noong 2007.
  • Ang Vietnam Rose ng ABS-CBN ang kauna-unahang teleseryeng ginawa sa ibang bansa. Sinundan ito ng Asian Treasures ng GMA na ginawa naman sa anim na bansa at base ito sa isang Indonesian epic.
  • Ang kauna-unahang Horrorserye ay ang La Vendetta ng GMA at sinundan ito ng Patayin sa Sindak si Barbara ng ABS-CBN noong 2008.
  • Sa ABS-CBN, ang kauna-unahang teleseryeng mula sa isang pelikula, na kung tawagin ay Sineserye, ay ang Bituing Walang Ningning at sinundan ito ng Ang Panday. Sa GMA, tinawag nila itong Sinenovela; ang kauna-unahang sinenovelang ipinalabas ay ang Sinasamba Kita.
  • Ang teleseryeng nakakuha ng pinakamataas na rating sa isang episode ay ang Esperanza ng ABS-CBN noong 1999 na may rating na 67%.
  • Nauso din ang mga inulit na teleserye na kung tawagin ay mga Remake. Ang kauna-unahang Mexicanobelang ginawang remake ay ang Marimar ng GMA. Sinundan ito ng kauna-unahang Koreanovela na ginawang remake ng ABS-CBN, ang My Girl.  Nagkaroon din ng remake mula sa isang program sa radyo, ang Maria Flordeluna ng ABS-CBN, at mula sa isang Tokusatsu, ang Zaido: Pulis Pangkalawakan ng GMA.
  • Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng pagbabago sa mga fanstaserye. Sinasabing ang kauna-unahang Superserye na ipinalabas sa telebisyon ay ang Krystala at Super Inggo ng ABS-CBN; sumunod dito ay ang Darna ng GMA. May tinatawag din tayong Tele-epiko tulad ng Rounin ng ABS-CBN. Binigyan din ng pansin ang mga batang manonood; tinawag naKiddieserye ang mga palabas na para sa kanila tulad ng KokeyPrincess Sarah at Kung Fu Kids.
  • Ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ang sinasabing ang telerserye sa totoong buhay.
  • Ang Amaya ng GMA ay ang kauna-unahang Epicserye at palabas na tungkol sa kultura at kasaysayan ng mga Pilipino.
  • Itinuturing na Ina ng Pinoy Teleserye ang Mara Clara na tumagal ng halos limang taon (1992-1997) at nagkaroon ito ng remake (2010-2011). Huwag din nating kalimutan ang iba pang Classic Teleserye na Gulong ng Palad,Flor de LunaAnnalizaAguila at Valiente.
SOURCE: PINOY TUMBLR
Advertisements